Friday, November 18, 2005

more ravens... in the making ;-)

finally!
me sweldo na kami
kahit partial ng partial
iba pa rin
kasi meron talaga

maliban pa yan
sa malusog na pangangatawan
at di maubos-ubos
na 'fats' sa kung saan-saang
bahagi, o 'di ba?

at syempre pa
di pwedeng ipagkaila
ang katakot-takot
na sense of sufficiency
of every need

dahil sa mga taong
nagmamahal,
kumakalinga,
sumusuporta
sa maraming kaparaanan!

salamat sa Diyos
sa kanilang kabutihang-loob
at sa maraming bagay
na nagpapalakas
ng kalooban

many times nga
eh feeling ko
di ako nauubusan ng pera
dahil sa mga bigay dito
at bigay doon...

simulan kaya natin
kahit mahigpit ang biling
ito ay confidential
talaga naman
eh, di mapigilan ang puso

nagdiriwang,
nagpapasalamat,
kailangang kumilala at
tumanaw ng utang na loob?
o simpleng pagkilala

sa kabutihan ng Diyos
sa pamamagitan nila
kaya wag ipagsabi
please...
tayong dalawa lang dapat
ang nakakaalam

sikreto
malalim na lihim
mahigpit na ipinagbabawal
ikwento sa kahit na kanino
pakiusap lamang

siya, eto na sila...
ginoong lolo dave
isang maginoong mama
mula sa wales
ni princess diana

kapitbahay daw sila
ni catherine zeta jones
kaya naman matinding giver
very generous at maawain
salamat po ng marami

sa inyong buhay
sa inyong bahay
sa inyong pamilya
na walang sawang i-shi-nare
sa amin

at ngayon
pati cell phone at load ko
pati na sweldo namin for several weeks
ay inyong ipinagkaloob
pinag-ipunan at ni-raise for us

di limang isang daan
o kaya'y isang libo
kundi't maraming libo
libu-libong nakakagulat
nakakapalambot ng puso

nakakalaglag luha
nakakagulat ng todo
you should have seen
my eyes, my face
my great surprise
my heart in great tears

iba ang sorpresa ng Diyos
totoo at malalim
kakaibang talaga
beyond all our expectations
we can never fathom or understand

lagi tayong below His ways
below His expectations
kasi tao lamang po
at higit na naiintindihan
ng dakilang Maykapal

andyan din si ate libay
na nagbigay ng isang libong
pagmamahal at pagkain
para sa mga gutom na Anislagers
ngunit matatabang dalaga pa rin

salamat ng marami
isang dakilang nanay
kahit kayo ay malayo
kami ay sobrang malapit
sa inyong pusong dakila

andyan din sina ate pearl
at talaga naman pati si ate elsie
na nagbigay ng pera na naman
just enough para sa mga butas na bulsa
bulsa para sa mga pamasahe

pamasahe sa pang araw-araw
na pagbisita sa mga bata
paroo't parito
mga trabaho at pinagkakaabalahan
ng mga istafworker

unfinished... si nika, at millie, hannah, and many more...

No comments: