totoo... sa pangalawang pagkakataon sa taong ito at nakaraan, ako'y nanaginip kaninang madaling araw ng tungkol sa rumaragasang tubig, isang baha na katakut-takot... isang malaki at mapagpinsalang baha. maraming tao ang tinangay, maitim at malalim ang tubig, at ako'y naroon sa kalagitnaan ng lahat ng ito. nasa kalagitnaan habang abala sa mga dapat kong gawin gaya ng paghahanda sa isang pagtuturo o training...
gaya nang naunang panaginip, nakita ko ding madaming tao ang binawian ng buhay, mga bahay na nasira at natabunan ng tubig at mga sasakyang inanod sa kung saan ang hantungan ng mahabang rumaragasang tubig.
ano kaya ito? sa buhay ko?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment