hmm... kakatuwa nga naman ang buhay. minsan ay masaya, minsan naman ay malungkot. minsan ay kakaiba dahil hindi lamang madilim ang langit kundi ay nagngangalit pa ang unos. ngunit, minsan naman ay sobrang liwanag ng araw at walang anumang pagbabadya.
mga ilang buwan na rin, mula nang matagpuan ko na lamang ang sarili kong kusang sumasabay sa agos ng buhay. ito marahil ay dahil sa sobrang dami ng mga pagbabago... mga bagay-bagay na sapat upang magpawi ng anumang natitira pang lakas para umalpas o makatakas.
hayy... ako na nga ba ito? pagod na sa paglangoy palayo sa agos ng buhay? takot nang lumaban pa? o marahil ito ay panahon lamang ng pag-agos sa mga pagbabagong nararapat piliin at tahakin? patungo sa lugar na nararapat puntahan? patungo sa tahanan ng puso, tahanan ng buhay, tahanan kasama kayo lamang...
pagbabago... pagtahak sa landas ng buhay... wala nang iba... hindi maiiwasan o matatakasan... kailangang magpatuloy ang paglalakbay.
tara na! sabay tayo...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment