Tuesday, March 14, 2006

ang uod

Isang araw, ako’y ginulat ng isang maliit na maya nang ito’y dumapo sa halaman malapit sa kinatatayuan ko. Tila baga sumisid ang ibon sa kanyang pagdapo. Isang malaking berdeng uod pala ang kanyang pakay. At sa bigat marahil sa kanyang tuka ay ito’y nalaglag sa aking harapan.

“Hmm, ano kaya ang kanyang gagawin?” tanong ko sa sarili. Walang takot na dinampot ng ibon ang uod. Pakiwari ko ay sinabi niya sa aking, “Huwag mong agawin ang aking hapunan!” Kapagdaka, ito ay dumapo sa isang sanga at lumingon na tila nagpapasalamat..

At hinding-hindi ko makakalimutan ang mga titig na yaon!

For a very short while, I felt a recognition of and a connection to that tiny life. I experienced the warm breath of precious life. Para bang nagsasabing “ako’y isang buhay at nilalang na dapat mong maramdaman.” And for a long moment, I gazed, as a sacred window of life opened!

There, is the Creator and there, are the wonderful images and reflections of Him!

O, anong ganda at dakila, anong hiwaga ng biyaya ng buhay!
Lalo na at ito ay tigib ng pag-asa at pananalig!

Ang KC ay ganito marahil sa marami sa atin – isang pagkakataon na masilayang muli ang kagandahan at kadakilaan ng Puong Maykapal at arukin ang Kanyang mga talinhaga sa iba’t-ibang kaparaanan – sa pamamagitan kaya ng kalikasan, o kaya’y ng mga pinagtagni-tagning kwento ng buhay, pakikibahagi, pagsasama-sama, at pakikibaka.

Sa ilan, ito marahil ay panahon ng matimtimang pakikinig kagaya nang pag-upo ni Maria sa paanan ng dakilang Guro. O kaya’y panahon ng masidhing pagtatanong kagaya nang nakagawian ng labin-dalawang alagad. O dili kaya’y pagkakataon para buong pagmamahal na hugasan ng luha, punasan ng buhok at pahiran ng pabango ang mga paa ng Guro. Isang pagtugon sa tawag ng pagpapatawad at pananalig. Isang paghuhunos-dili o pagbabagong-buhay!

But for many of us, this can be a Gethsemane where, like Him, we will need to face life’s final crossroad and confront its ultimate call! That is, the call for obedience (and faithfulness) in all areas of life, however, costly it may be. After all, His was never a cheap grace! His was a love divine!

His was a life surrendered, never his own!
A life to honor the King of kings and the LORD of the universe!
Come! Let us, altogether landmark and celebrate this kind of life in KC!

Isang mapagpala at mapalayang pagbati at pagtanggap sa bagong kabuuan ng mga tinawag – mga kapwa ko kabataan, mga anak ng Hari, mga tagasunod ng Guro, kapwa ko Filipino!

TULOY PO KAYO!

(attempts to welcome the new batch of kc delegates! hmmm, living proof of a journeying father even in the midst of deep insecurities and great uncertainties... amidst all the struggles and abounding fears... inside a crucible under the hottest furnace!)


No comments: